
rushing fire water in the dark of a cloud..
Hapong hapo na ako sa pagpipinta kay Mark Abaya. haha. Kailangan ko kasi magpinta ng portrait ng isang taong paborito..uy..di ko paborito si mark a..naisip ko lang na madali syang ipinta kasi medyo maitim..atsaka, i find his goaty interesting. Pero bat ganun? di pa rin gaanong kamuka e. bahala na. Matatapos na ang 2nd sem!! yey. ok..per subject na nga..
sa visual perception, naku..nag-issue na ng final plate si sir.. pero di pa ko nakakagawa ng study.. sobrang dami kasing nangyayari sa loob ng utak ko e.. masyadong mabilis..kaya nakakalimutan ko ang mga gagawin..haay..tas may final exam pa.. bwiset
sa techniques class, eh yun na nga..si mark abaya..pero hindi pa final plate yun.. isa pang painting tas finals na..o diba?? sakto si sir! late na naman kami matatapos nyan e..
sa materials class.. ayun..kakabigay lang ng final plate.. buti na lang sa march 31 pa ipapasa.. pipili daw kami ng character sa mga filipino folktales..basta..tas yun.haha nakakatamad i-type e..
sa geology.. kakatapos lang ng 2nd long exam..feel ko naman papasa ako. kasi lahat ng sagot eh nasa handouts. sana wala ng finals..sana lang talaga..
sa humanidades. panalo!! nakakatamad e.kelangan ko pang magbasa ng 4 na maikling kwento 10 na tula.. tas susuriin pa..eh sa lunes na ipapasa yun. di pa ko sigurado kung pasado ako sa hum1 kahit magpasa ako. basta eto lang, kung di kayo mahilig magbasa, o kung wala kayong oras magbasa, WAG KAYO MAGHUMANIDADES 1! naku..nakamamatay. haha ako nga ilang beses na namatay
sa geog1 naman eh may exam pa..sana lang..sana lang talaga madali..
sa PE naman..interclass ngayon..ahaha di naman ako kasali e. duh?! average ko ata dun e 50pts per game..eh ang quota e 70.. tas kahapon, last bowling day na..di pa rin ako pumasa. takte yan.
sigurado na kong papasa sa mga subjects ko..except hum1.. tas ang baba sigurado ng grade ko.. haaaay...sisipagan ko na talaga next sem. promise!!!
pansin ko lang..walang koneksyon yung pics sa post ko.ahaha keri lang.
sige..saka na lang ako ulet magpopost. churabells!
