Friday, January 20, 2006



masakit pa rin ang kaliwang kamay ko. pero wala nang benda. ayos na siguro 'to. makakapag-ensayo na ko mamaya..para mabaling ang aking atensyon sa ibang bagay bukod sa graham crackers. tama na muna ang pagkain. aatupagin ko muna ang aking sarili at ang aking hilig. isang linggo ang binigay kong taning sa aking sarili upang maisaayos ang mga bagay at upang maisaayos at maiorganisa ang aking sarili at ang aking ugali. isang linggo akong hindi magiisip ngunit makikiramdam lang. hindi nito ibigsabihin na ayaw ko na ng graham crackers. syempre masarap yun. at dun ako nagkakaron ng inspirasyon para sa aking buhay. ang labo diba? pero ganun na yun. basta..

alam mo na kung sino ka, paumanhin sa aking ugali. baka may mali lang talaga saken. kasalanan ko ang lahat. baluktot ang aking paliwanag. pero ganun e.. pero mas gusto ko eh yung lahat ng bagay ay nasa ayos. kung mali ako, edi itama mo. hindi naman porket gusto ko eh susundin mo. naiintindihan mo ba? kapag naunawaan mo na ang lahat ng ako, eh saka lang aayos ang lahat. hindi ko na ipapaliwanag sayo kasi gusto ko kusa mong maintindihan. ako ma'y naguguluhan. gusto ko na ng kaayusan.

kaayusan.

isang linggo. sana sapat na to para maayos ang mga bagay.